Philippine Information Agency
30 Oct 2020, 16:08 GMT+10
LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Okt.. 30 (PIA) -- Lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Department of Agriculture (DA) Mimaropa at Tagani.Ph upang maisakatuparan ang Kadiwa online kung saan ang mga produkto ng mga magsasaka at mangingisda sa rehiyon ay maibebenta online. Gamit ang programang Kadiwa ni Ani at Kita, natugunan ang isyu ng pagma-market ng mga pang-agrikulturang produkto ng rehiyon.
Bilang istratehiya para madagdagan ang mapagbebentahan ng mga produkto ng mga magsasaka at mangingisda sa rehiyon, ang Kadiwa Online ay isang paraan ng programa ng Kagawaran upang mas mapadali at gawing ligtas ang pamimili ng mga konsyumer lalo na ngayong may krisis sa kalusugan.
Sa isang banda, ang Tagani.Ph ay isang pribadong kumpanya na sumusuporta sa mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng e-commerce, e-learning at e-farming. Ang kanilang website na Tagani.Ph ang magiging plataporma o online platform upang maibenta ang mga sikat na produkto ng rehiyong Mimaropa sa National Capital Region o NCR.
Sa kanyang mensahe sa seremonya ng paglagda ng MOA, ipinahayag ni Regional Executive Director Antonio Gerundio ang kanyang galak, "naniniwala ako na ang teknolohiyang ito ang magpupursige sa ating mga magsasaka at mangingisda upang magbigay ng mas marami pang produkto upang maitaguyod ang value chain. Ito ay magandang simulain, umaasa kami sa ating matibay na pagsosyo".
Ayon naman kay Dr. Celso Olido, Tagapamahala ng Agribusiness and Marketing Assistance Division ng Mimaropa, "napakalaking problema ng dumating ang pandemya. Bumaba ang demand kasi walang namamalengke masyado pero lumakas ang online. Ito yung bagong trend ngayon kaya very welcome ang ganitong tie-up. Mare-realize natin ang motto ng DA na masaganang ani, mataas na kita".
Ngayong darating na Nobyembre, ilulunsad ng Tagani.Ph ang mga paunang produkto gaya ng sariwang calamansi at calamansi extract mula sa bayan ng Victoria, Oriental Mindoro; Banana Chips ng Santa Cruz, Marinduque; kasoy galing ng Puerto Princesa City, Palawan at bigas mula sa mga bayan ng Mamburao, Occidental Mindoro at Lungsod ng Calapan sa Oriental Mindoro. Ilulunsad rin sa website ang ilan pang sariwang mga produkto na mula sa iba't-ibang bayan ng Mimaropa sa mga susunod na araw.
"Tingin namin sa AMAD ito yung competitive in terms of quality, supply, sustainability, timing, market demand and most importantly yung price", dagdag ni Ramon Policarpio ukol sa mga paunang produkto na ilalabas sa Tagani.Ph, Tagapag-ugnay ng Proyektong Kadiwa ng DA Mimaropa.
Samantala, ang Tagani ay katuwang rin ng DA-Mimaropa sa pagpapalawak ng presensiya ng mga produkto ng rehiyon sa makabagong digital market. Ipapalabas rin sa website ang napapanahong mga sikat na produkto na maaaring i-supply ng Mimaropa at gabayan ang mga magsasaka upang matuto sa pagnenegosyo.
Ani ni Kevin Cuevas, Chief Executive Officer ng Tagani.Ph, "kapag pinagsama po natin ang agribusiness at data science, wala po talagang makakapigil sa atin. Nangangalap tayo ng datos gamit ang social media upang lumikha ng mga pananaw sa market demand na napapanahon. Mas tiyak ito kaysa ibang merkado na hindi ito ginagawa. Kami kasi ay tiyak sa agrikultura". (LC/PIAMimaropa/Calapan)
Get a daily dose of Dallas Sun news through our daily email, its complimentary and keeps you fully up to date with world and business news as well.
Publish news of your business, community or sports group, personnel appointments, major event and more by submitting a news release to Dallas Sun.
More InformationISTANBUL/PARIS/BRUSSELS: As searing temperatures blanket much of Europe, wildfires are erupting and evacuation orders are being issued...
VENICE, Italy: Over the weekend, hundreds of protesters marched through the narrow streets of Venice to voice their opposition to billionaire...
PARIS, France: France is taking stronger steps to reduce smoking. A new health rule announced on Saturday will soon ban smoking in...
WASHINGTON, DC - U.S. President Donald Trump on Tuesday claimed Elon Musk's success has been built on government subsidies. Without...
EVERGLADES, Florida: Over the weekend, a diverse coalition of environmental activists, Native American leaders, and residents gathered...
BEIJING, China: China's national soccer team may struggle to stir excitement, but its humanoid robots are drawing cheers — and not...
NEW YORK, New York - U.S. stocks diverged on Wednesday for the second day in a row. The Standard and Poor's 500 hit a new all-time...
NEW YORK CITY, New York: The U.S. dollar continues to lose ground, weighed down by growing concerns over Washington's fiscal outlook...
KABUL, Afghanistan: Afghanistan, long associated with war and instability, is quietly trying to rebrand itself as a destination for...
SANTA CLARA, California: Executives at Nvidia have quietly been cashing in on the AI frenzy. According to a report by the Financial...
NEW YORK, New York - Global stock indices closed with divergent performances on Tuesday, as investors weighed corporate earnings, central...
TORONTO, Canada: Canadian Prime Minister Mark Carney announced late on June 29 that trade negotiations with the U.S. have recommenced...